Home Showbiz Pamangkin ni Rico Yan ginulat ang mga Netizens dahil sa sobrang pagkaka-mukha niya sa aktor!

Pamangkin ni Rico Yan ginulat ang mga Netizens dahil sa sobrang pagkaka-mukha niya sa aktor!

by admin
Rico Yan's Nephew

Mas kilala siya sa pangalang Rico Yan noong siya ay nabubuhay pa pero ang totoong pangalan niya ay Ricardo Carlos Castro Yan 27 taong gulang, kilalang artista, model, host, business man at iba pa. Si Rico Yan ay kilala bilang ka-tambal ni Claudine Barreto sa Telebisyon, sa Big screens at iba’t ibang mga proyekto dahil gustog gusto ng kanilang mga taga-hanga na silang dalawa lagi ang magkatambal, maihahalintulad sila sa mga sikat na Love Team ngayon gaya nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Nadine Lustre at James Reid at iba pang mga sikat na love teams sa telebisyon.

Maraming tao at mga tagahanga ng aktor ang nagulat sa insedenteng ito “hemorrhagic pancreatitis” o “Acute pancreatitis” ang ikinamatay ng aktor noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Island Resort & Spa, Puerto Princesa habang nag babakasyon sila.

Sobrang daming nalungkot lalong lalo na ang kanyang ka love team na si Claudine Barreto na talaga namang dinamdam ang pangyayaring ito, hanggang ngayon ay inaala-ala pa rin siya ng aktres sa kanyang instagram account at talaga namang damang dama mo na mahal na mahal ng aktres ang binata.

Maraming magagandang mensahe si Claudine sa kanyang dating love team na si Rico, pero sabi ng isang group sa social media na ang pamangkin ni Rico Yan na anak ng kanyang kapatid na si Geraldine ay pinag uusapan dahil parang muli raw nabuhay ang binata sa katauhan ng kanyang pamangkin na ito at talaga namang ikinasaya ng mga netizens.

Facebook Comments

Loading...