Babaeng hindi nagbigay ng Limos Hiniwa ang braso ng isang pulubi



 Ito ang nangyari sa isang netizen na nagngangalang Lyka Joy Ignacio, ito ang kanyang sinapit sa isang pulubi matapos niya itong hindi bigyan ng limos.

Sa kanyang Facebook post ibinahagi ni Lyka ang kanyang nakakatakot na karanasan sa isang pulubi na nanglilimos sa kanya sa Brgy. Poblacion, lungsod ng Muntinlupa.

Ayon kay Lyka nasa tapat siya ng isang botika sa may bayan ng Muntinlupa, may nanlilimos na nasa edad 18 hanggang 20 taong gulang, na kapag hindi mo raw binigyan ay didikit daw ito sayo sabay tatakbo, nadali raw ang kanyang braso at wala siyang kaalam-alam kung ano ang ginamit para siya ay masugatan ng ganon.


Eto ang pahayag ni Lyka sa kanyang post sa kanyang Facebook account:
Guys ingat po kayo sa mercury bayan katabi ng 7/11 muntinlupa. May namamalimos na lalaki mga 18 to 20 plus na siguro ang age nya. Pag di nyo binigyan, didikitan kayo.. sabay tatakbo! Nadali po ako sa braso.. diko alam kung ano yung pinang hiwa nya sa braso ko 😓 masyadong mabilis ang pang yayari. Ingat po sa lahat!



Eto naman ang komento mula sa mga netizens:

Rodel Borre Bulatao: Maging alerto lang po.Kung kayang itrap gawin kase lumalake ulo nyan.Tandaan ang muka at ireport sa pulis.Delikado po ang taon yan pag pinabayaan.

Michael Mazo: Buisit ang hayop na yun eh no...walang magawa kundi ang mamerwesyo ng kapwa...di magbanat ng buto dapat yan mahuli masasanay ang buisit na yan..kung sa akin mangyari yan dila lang ang walang latay ang buisit na yan...

Elsie Salazar: Dpat ireport yan sa Police para maicheck kung my Cctv sa area & baka makita kung sino gumawa. Dpat mahuli yan kc ggawin pa yan sa iba kung patuloy lng nasa kalye.

Jhon Jaway Palma: Meron din na-encounter bata naman, nung di ko bigyan bigla ba naman ako sinigawan at sinabihan na sasaktan daw nya anak ko (sa bayanan muntinlupa naman) Hayz... nakakatakot mga batang nanlilimos ngayon mga siga siga

CathyJane Buan: Naalala ko dati wala kasi ako Barya naibigay ko Piso Hinagis sa harapan ko Tapos Sabay Baba at Kinalmot ako

Share this article!