Maraming kababaihan ang naghahangad na magkaroon ng kanilang sariling mga anak. Ngunit nakalulungkot na makita ang balita na ang kanilang sariling mga anak ay itinapon, ipinagbili, o ibinigay na lamang.
Bilang isang magulang, bago natin makuha ang mga gusto natin, mas uunahin natin pa rin natin ang ating mga anak o pamilya.
Ngunit isang babae ang nagviral sa social media matapos niyang ipagpalit ang kanyang kambal na anak kapalit ng isang gadget lamang.
Ang ginang ay kinilala ng apelyido niyang Ma na mula sa Cixi City, Zhejiang Province, China.
Maaga siyang nabuntis at siya'y 20 taong gulang pa lamang kaya nagalit sa kanya ang kanyang mga magulang dahil sa pagiging iresponsable niya.
Ayon sa reports, binenta niya ang kanyang kambal na anak sa magkaibang presyo. Ang una ay naibenta niya sa halagang 45,000 yuan o Php 316,370 at ang isa naman ay 20,000 yuan o Php 140,609. Ang dahilan kung bakit niya ipinagbili ang kanyang kambal sa iba ay upang mabayaran ang kanyang utang gamit ang kanyang credit card.
Ngunit sobra-sobra ang kanyang pera kaya't nakabili din siya ng isang branded na bagong cellphone.
Samantala, ang ama ng kanyang mga anak na si Wu Nan ay biglang nagparamdam kay Ma matapos niyang malaman na ang kanilang kambal na anak ay ipinagbili. Ngunit nagulat ang lahat nang hindi nagalit at inaway si Wu Nan sa ginawa ni Ma. Imbis na magalit, humingi pa ng pera si Wu Nan upang mabayaran ang kanyang mga utang sa pagsusugal. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya masuportahan ang kanyang asawa dahil nabaon na siya sa utang sa pagsusugal.
Agad na pinansin ng mga awtoridad ito at hinanap at inaresto ang mga walang kwentang magulang na naipagbenta ang kanilang mga anak para lamang sa kanilang sariling karangyaan.
Anong masasabi niyo sa mga taong ito? Magagawa mo ba ito sa anak mo? Ibahagi niyo lamang ang inyong mga saloobin sa comment box.