Sa panahon ngayon, mas pinipili na lamang ng ating mga masisipag na mga kababayan na magsakripisyo para sa kanilang pamilya dito sa Pinas upang mabigyan ang mga ito ng magandang buhay at maiahon ang sila sa kahirapan.
Kamakailan lamang kumalat sa social media ang isang facebook post ng isang netizen matapos nitong ibahagi ang naging conversation nila ng kanyang kaibigan na ina ng kanyang inaanak.
Isang OFW ang netizen na ito na nagngangalang Rachelle Claire Melchor. Sa kanyang post, makikitang sa una ay kinamusta siya ng kanyang kaibigan at sa kalaunana ay nagbilin na ito ng pasalubong para sa kanya at sa inaanak niya dito.
Di kalaunan ay inimbita siya nito na maging ninang muli ng kanyang bunsong anak at sinabing sagutin na niya ang gastos sa binyag at magbigay ito ng halagang P5,000.
Narito ang buong Facebook post ni Rachelle:
"Pangalawang magulang po hindi sponsor"
Nakakalungkot lang isipin na kinukuha kang ninang ng iba mong kaibigan para lang may ganito ganyan. Keso nasa abroad daw ako keso malaki daw sahod ko. Oo nasa abroad ako pero di ako lumalangoy sa pera. Kung ano man yung kinikita ko pinaghihirapan ko yun.Kung anong meron ako nagtitipid ako para makuha ko yun. Pinaghihirapan yun ng mga OFW sa kung saan saang panig ng mundo.
Hindi kami nakaupo lang at naghihintay lang ng grasya. Never ever think na nandito kami para lang sumakit ang ulo kakaisip ng ipapasalubong sainyo. Iniisip din namin yun. Pero may kanya kanya tayong needs and expenses.Nakakalungkot nga kakamustahin ka lang pag ganyan.
Kakausapin ka lang pag manghihingi ng pasalubong o ng pabor.Hindi naman ako nanghingi ng pabaon nung umalis ako diba? Kung makahingi wagas ? Sapilitan? Willing naman ako magbigay sa inaanak ko which is diko naman talaga kasi alam na ninang niya ko. Pero wag nmn sana s gnung way kasi nakakasama ng loob.
Always keep in your mind na hindi purket nasa abroad kami naliligo na kami sa dolyar. Nahihirapan din kami lalo na yung mga OFW na walang kasamang pamilya. Kahit yung mga di OFW. Kahit yung mga nagwowork jan sa Pinas na kukunin nyong ninong at ninang.
Bawal tumanggi sa pagiging ninang at ninong. At ayoko naman talagang tumanggi kasi angels ang mga bata pero isipin nyo na kaya nyo kame kukuning ninang at ninong para nandito kami na magbibigay ng guidance if ever na wala kayo sa tabi nila hindi para gawing sponsor.