Viral ngayon ang pawagan ng isang pamilya sa Cavite matapos na bawian ng buhay ang kanilang kaanak dahil sa pagod na dinanas nito sa parusa na ibinigay sa kanya matapos siyang mahuli dahil sa paglabag sa curfew.
Ayon sa post ni Adrian Luceña, ang pumanaw na lalaki ay si Darren Manaog na naguli ng mga pulis gabi ng Huwebes dahil bumili ang huli ng tubig at lumabag sa curfew.
"Siya po si kuya Darren Manaog Nahuli po kasi sya nung huwebes ng gabi ng mga pulis..bumili p kasi sya ng tubig curfew hour na," ani Adrian.
Matapos nito ay ikinuwento umano ni Darren na kinailangan mag-pumping ng mga nahuling lumabag sa curfew ng 100 beses ngunit dahil hindi sila nagkakasabay-sabay ay pinaulit-ulit sila ng mga awtoridad.
"Tapos sabi nya po pinagpumping sila ng 100x kailangan sabay sabay kaya naka ilang ulet sila sabi niya nasa 300 daw nagawa nila.Ito po ay nangyare sa MUNISIPYO NG MALABON GENERAL TRIAS CAVITE," pagkukwento ni Adrian.
"Umuwi po siya ng friday ng 8:00 am ng umaga hindi na sya makalakad ng maayos.Tapos sabado ng madaling araw nag comvulsion siya narevive pa namin siya sa bahay. Sinumpong ulet siya narevive ulet kaya lang comatose na siya hanggang ngayong 10:00 pm wala na..tapos sinabi rin niya sakin na na ilang beses pa siyang natumba habang pinag papapumping sila," pagpapatuloy niya.
Dahil sa nangyari, nananawagan ngayon ang pamilya nila na mabigyang hustisya ang sinapit ng Kuya Darren nila.
"Kuya paalam na. mahal na mahal ka namin. Hindi kami papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkawala mo. Mahal na mahal ka namin kuya. Pasensiya kana kung di ako makakauwe. Dahil sa panahon ngayon," pagtatapos ni Adrian sa kaniyang post.
Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na opisyal na mensahe ang lungsod ng General Trias at ang Barangay ng lugar ukol sa panawagang ito ng pamilya ng nasawi.
Source and Photo: Adrian Luceña
source: GoCavite